
Last Wednesday I decided na gumawa ng practical exam sa Empowerment Technology which is yung pag gawa ng food blog. Since wala namang pasok and sayang din yung araw. So we went to Southwoods Mall para don gumawa ng prelims exam. Yung pag gagawaan sana namin is yung Fig Tree nandon lang siya sa tapat ng Southwoods Mall maganda din yung feedback sa Fig tree, but while we were roaming around nakita namin yung tarpaulin ng The Lost Bread ang catchy niya kasi instagrammable yung pagkain, lalo na yung Craft your own soft serve cup na buy one take one.
Hinanap namin yung The Lost Bread sa ground floor ng Southwoods Mall and ang ganda ng ambiance kahit di masyadong kalakihan yung pwesto nila. Nag order kami ng Craft your own soft serve cup tsaka French Toast. Satisfying yung mga pagkain don kasi ang sarap na tignan and ang sarap din pag kinain. Yung isang serving ng Ice Cream parang good for two kasi nakakabusog siya and di nakakaumay, sobrang solid talaga parang toppings palang busog kana. Usually diba parang yung dessert parang di masyadong napagtutuonan ngpansin kasi pantanggal umay lang pero yung craft your own soft serve cup ng The Lost Bread di lang basta dessert eh pwede na din pantawid gutom hahahaha. Imagine from bottom to top lahat yon may nummies. Yung French Toast din nila solid kasi may 3 Drizzle tas siksik yung isang box not bad for 185 pesos. Ang unique lang din ng concept na instead na plain na drizzle lang yung gagawin ang ginawa nila is nilagay nila sa syringes yung mga drizzles. I recommend The Lost Bread lalo na mga bata kasi magiging fun and exciting yung pagkain nila. Ang babait din ng mga nagseserve. Sobrang friendly and approachable. Yung binayad mo is sulit talaga kasi hindi tinipid yung ingredients. Yung place niya warm and cozy and madaling hanapin.
Sobrang nag enjoy ako sa pagkain sa The Lost Bread. Natutuwa ako talaga sa concept kasi sobrang unique and catchy talaga. I’ll rate it 11 out of 10. For me di lang ako yung matutuwa sa The Lost Bread feeling ko pati din yung ibang tao lalo na yung mga bata.







